Langit Sa Piling Mo (SPG)

Chapter 41:Accident



"SA BAHAY ninyo daw natulog si Zoe, Bhe?"

"Paano mo nalaman?" Salubong ang mga kilay na sagot ni Jhaina sa tanong ni Rochelle.

"Kausap ko siya kagabi bago natulog, nabanggit niya na doon nga siya matutulog sa inyo. 'Di ko alam na magkaibigan pala sila ng iyong kapatid." Nakangiti pero may kasamang intriga ang kanyang mga tanong kay Jhaina. Hindi natuwa si Jhaina sa narinig. Kung ganoon ay hindi pumapalya si Zoe sa pagkontak kay Rochelle. Nang maalala ang nangyari kagabi ay uminit na naman ang kaniyang ulo.

"Magtapat ka nga sa akin, may gusto ka ba sa intsek na iyon?" Prangkahang tanong ni Jhainasa babae. Lalong sumama ang kanyang pakiramdam sa isiping tinutuhog silang dalawa ni Rochelle ng binata.

"Ha, ahm wala namang masama kung makipagkaibigan ako sa kanya hindi ba?" nahihiyang sagot ni Rochelle.

"Sa lagay na ito, pinapaasa mo lang ako? Tama nga yata si Kuya na nag-aaksaya lang ako ng oras sa iyo." Naging matabang ang tono ni Jhaina at may halong pait dahil mas mukhang kaakit-akit kaysa kaniya si Rochelle. "Na-brainwash ka na ng iyong kapatid, bhe, alam mo na mahal kita." Nakasimangot na sagot nito kay Jhaina.

"Pagmamahal bilang kaibigan, siguro nga ay dapat ko nang tigilan ang kahibangan kong ito. Kahit ano ang gawin ko, babae pa rin ako." Napabuntong hininga na turan ni Jhaina. Natauhan na siya dahil sa nangyari sa kanila ng binata kagabi. At ayaw niya nang humantong pa na pati si Rochelle ay mahulog din kay Zoe.

"No!" Tarantang ginagap ni Rochelle ang palad ni Jhaina.

Nabigla si Jhaina sa biglang pag iba ng mood ni Rochelle. Para bang bigla itong natauhan at natakot na totohanin niya ang kaniyang mga sinabi.

"Mali ka nang iniisip mo, bhe, mahal kita hindi lang bilang isang kaibigan.

"Pero "asagutin

"Sasagutin na kita kung gusto mo!" putol ni Rochelle sa iba pang nais sabihin ni Jhaina.

"Huh, te-teka! Bakit biglang nagbago ang isip mo?" Nagugulohang tanong ni Jhaina.

"A-ayaw kong mawala ka sa buhay ko. "

"No, Chel, ayaw ko na lokohin pa ang aking sarili. Tama na magkaibigan lang tayo, layuan mo na rin si Zoe." Inalis niya ang kamay nito na nakakapit sa kanyang braso. "What? Gusto mong magkaibigan na lang tayo at layuan si Zoe? Bakit pati sa kaniya ay kailangan kong lumayo?"

"I'm sorry, Chel. Kaibigan kita at ayaw kitang masaktan. Hindi siya para sa iyo." Malumanay niyang paliwanag sa dalaga.

"Huh! I know it, kagagawan ito lahat ng kapatid mo! Lahat na lang nang may gusto sa akin ay gusto niyang ilayo!" galit na ang mabanaag sa mga mata ngayon ni Rochelle.

"Walang kinalaman dito si Kuya, Chel. Mahirap ipaliwanag pero mas nakakabuti sa iyo na layuan mo na si Zoe at kalimutan."

Napangisi si Rochelle habang pinagmamasdan ang mukha ni Jhaina. Noon pa man sa Boracay ay duda na siya maging ang pakipaglapit sa kaniya ng binatang intsek. Mukha ngang may hiden agenda ito at siya pa ang naging tulay sa pang- iispiya nito kay Jhaina. Oo nga at magkausap sila ng madalas ni Zoe, pero wala naman itong bukambibig kundi ang itanong ang tungkol sa babae.

"Umiibig ka na rin sa lalaking iyon kung kaya nagbago na ang isip mo?" Mapang-uyam na tanong ni Rochelle kay Jhaina.

Hindi agad nakasagot si Jhaina sa tanong ng kaibigan. Tila may bumara sa kanyang lalamunan at naitanong sa sarili na mahal na nga ba niya si Zoe?

"Hindi ka makasagot, let's say nagugulohan ka pa. Pareho kayo ng kapatid mo na mapaglaro sa damdamin ng mga babae!"

Nagulat si Jhaina sa nakikitang galit sa mukha ngayon ni Rochelle. Lumabas ang tunay nitong ugali at tama nga yata ang kapatid na may motibo ito na hindi maganda sa pakipaglapit sa kanya.

"Well, hindi ko kailangan ang pagkakaibigan natin. Kung ayaw mo na sa akin, hindi na masama na mapalapit ako ng husto kay Zoe." Sarkastiko itong ngumiti kay Jhaina na hanggang ngayon ay nakarehistro sa mukha ang gulat sa ugaling pinapakita niya dito.

Naputol ang pag-uusap nila nang tumunog ang cellphone ng babae. Parang nanadya ang pagkakataon dahil ang intsek ang tumatawag.

"Hi!" Masiglang sagot ni Rochelle sa kabilang linya.

"Hello Rochelle, kasama mo ba si Jhaina?"

Napasimangot siya sa tanong ng lalaki, bahagya siyang lumayo kay Jhaina na nakatingin lang sa kanya.

"Ahm hindi po, susundoin mo ba ako ngayon?" Pinalambing pa niya ang boses at nilakasan upang marinig ni Jhaina.

"Sumabay ka na lang kay Jhaina upang maihatid na rin kita." Maginoong sagot ni Zoe, ayaw niyang mapahiya ito kung kaya napilitan na sabihin iyon.

Kanina pa siya tumatawag sa dalaga dahil nag-aalala siya ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag kung kaya naisipan na tawagan si Rochelle. Naroon na rin siya sa labas ng gate na pinapasukan nito upang sunduin ito. "Pwede ba na pakisabi sa kanya na tumatawag ako sa kanya." Pakiusap nito sa babae nang hindi na ito nagsalita mula sa kabilang linya.

"Sige," maiksing sagot ni Rochelle bago pinatay ang tawag.

"Mauna na ako sa iyo, susunduin ako ni Zoe." Paalam nito kay Jhaina na tahimik pa rin nakatingin sa kanya.

Galit na sinundan niya ng tingin si Rochelle, nakaramdam siya ng galit sa binata dahil itinuloy talaga nito ang plano na ligawan ang babae.

Hindi siya dumiritso ng uwi, ni hindi naisip na e-check ang cellphone dahil sa paninibugho sa isiping magkasama hanggang ngayon ang dalawa.

"Huwag mo na siyang tawagan, magagalit lang lalo iyon." Saway ni Rochelle sa binatang kasama nang makitang dina-dial nito muli ang numero ni Jhaina.

Magkasama sila hanggang ngayon at hindi siya napaghindian ng inaya niyang kumain muna sila sa labas. Siya na mismo ang nag-aya dito dahil alam niyang walang balak ito lumabas kasama siya. Naniwala ito kanina nang sinabi niyang ayaw sumabay sa kanila ni Jhaina dahil nagseselos na kasama niya ito.

"Kailangan kong malaman kung nasaan siya ngayon dahil ang alam ng pamilya niya ay susunduin ko siya." Paliwanag ni Zoe at hindi mapakali sa kinaupuan. Ni hindi niya magalaw ang pagkain, nahiya lang siya tanggihan si Rochelle kung kaya siya naroon ngayon.

Napasimangot si Rochelle, naisip na mukhang maging masaya si John Carl kapag nagkamabutihan ang dalawa at maging tunay na babae si Jhaina. Ayaw niyang mangyari iyon, ayaw niya na sumaya ang binata.

"I'm sorry but I have to go."

Nagmamadali na tumayo si Zoe nang mabasa ang text mula kay Carl. Hindi pa umano nakauwi ang dalaga at hindi rin sinasagot ang tawag nito. Nag-iwan lang siya ng pera kay Rochelle pambayad sa pagkain na inorder nila.

Inis na sinundan ng tingin ni Rochelle ang papalayonh binata. Nanghinayang naman siya sa pagkain kaya doon na lang niya ibinunton ang inis na nadarama.

Habang nasa daan si Zoe ay walang patid ang ginagawa niyang pagtawag sa cellphone ng dalaga.

"Ano ang kailangan mo?" Inis na sinagot ni Jhaina ang tawag ni Zoe. Naiirita na siya dahil walang tigil sa pag-vibrate ang cellphone na alam niyang ito ang tumatawag kahit hindi pa nakarehestro ang numero nito sa kanyang cellphone. "Thanks God at sinagot mo rin ang tawag ko, where are you?"

Napasimangot lalo si Jhaina sa tono ng boses ng binata na sobrang nag-aalala sa kaniya. Sa halip na matuwa ay lalo lamang siya nainis dahil alam niyang kasama nito si Rochelle.

"Somewhere," maiksi niyang sagot. Ayaw niya itong kausap dahil galit pa rin siya. Wala rin siyang gana na umuwi ng maaga dahil wala ang mga magulang sa bahay. Nakausap niya kanina ang mga ito at nagpaalam na pupunta sa kapatid nito at doon magpapalipas ng gabi.

"F*ck! Where is that damn somewhere?" Nauubos ang pasensya na tanong nito muli sa dalaga. Sinasagad na nito ang kanyang pasensya dahil sa pagmamatigas at pinangangatawan na lalaki ito. Kahit lasing siya kagabi at hindi nagisnan ang dalaga, alam at tanda niya na may nangyari ulit sa kanila.

"Bakit ka naninigaw!" Bulyaw ni Jhaina sa kabilang linya. Bumangon na rin ang galit sa dibdib dahil tila siya pa ang nang-aagrabyado sa kanilang dalawa.

"Sorry, please tell me where are you?" Mahinahon na tanong muli ni Zoe dito.

Nakagat niya ang ibabang labi nang naging malambing bigla ang tono ni Zoe. Ayaw niya ng ganitong feeling, lumalambot ang kaniyang puso kapag ganoon na ang tono ng lalaki. Naalala niya bigla ang panahon na siya pa si Tin. "Ayaw kitang makita, I hate you! Magsama kayo ni Rochelle!" Bahagya pang pumiyok ang boses niya nang magsalita. Naiiyak siya sa sama ng loob sa binata.

Nagulat si Zoe sa biglang tantrums ng dalaga. Hindi siya maaring magkamali, nagseselos ang dalaga at galit dahil ang alam nito ay kasama niya si Rochelle. Gusto pa sana niyang magbunyi ngunit biglang nasilaw siya sa ilaw ng sasakyang makasalubong.

"Ahh... fuck!" Biglang nabitiwan ni Zoe ang cellphone at mabilis na kinabig ang manubela upang iwasan ang kasalubong na sasakyan. Hindi niya napansin na paliko na ang daan at nasakop na niya ang kabilang linya ng kalsada.

Biglang nailayo ni Rochelle ang hawak na aparato sa kanyang taenga nang marinig ang malakas na lagabog mula sa kabilang linya.

"Zoe?" Kinakabahan na tawag ni Jhaina sa binata nang biglang tumahimik sa kabilang linya.

"Zoe!" Naiiyak na siya sa takot nang walang sagot na narinig sa binata. Nanginig ang kaniyang mga kamay dahil wala na ang caller.

Nagmadali siyang umuwi at tinawagan ang kapatid ngunit busy ang linya nito. Habang nasa biyahe sakay ng taxi ay may nadaanan silang aksidente kaya traffic. Nang mamataan ang kulay ng sasakyang nabangga ay mabilis siyang bumaba ng taxi. Ang lakas nang kabog ng kaniyang dibdib habang papalapit sa pinangyarihan.

"Grabe, himala na lang kung mabuhay pa ang driver ng sasakyang ito."

Dinig ni Jhaina na usap-usapan sa paligid. Nakuha na umano ng ambulansya ang sakay niyon upang madala sa hospital.

"Zo-Zoe!" Nanlalabo ang mga mata na tawag niya sa pangalan ng binata. Alam niya na ito ang may-ari ng kotseng yupi ang unahan dahil sa lakas ng pagkabangga sa malaking puno na nasa tabing kalsada.

Napaupo si Jhaina sa isang tabi at nanginginig ang mga kamay na tinawagan muli ang kapatid. Sobra siyang nanghihina at natakot. Hindi alam kung ano ang gagawin at saan pupunta dahil sa sobrang pag-alala kay Zoe. Hindi nagtagal ay dumating ang kapatid at tinulongan siyang makatayo upang hanapin kung saang hospital dinala si Zoe.

Halos madurog ang puso ni Jhaina pagkakita kay Zoe na nakaratay sa hospital bed. Naaa ICU ito ngayon at hindi pa stable ang kalagayan. Sinisisi niya ang kaniyang sarili ngayon kung bakit nangyari ito sa binata. Kung kinakusap sana niya ito ng maayos ay baka hindi ito nangyari. Kung sinagot lang sana niya ang mga text nito at unang mga tawag ay baka hindi ito na aksidente.

"Huwag mo nang sisihin ang iyong sarili at baka marinig ka niya." Biro ni John sa kapatid nang marinig ang hinagpis nito.

Lalo lamang bumigat ang kalooban ni Jhaina nang marinig ang katotohanan mula sa kapatid tungkol sa pakipaglapit ni Zoe may Rochelle. Ang laki niyang tanga at nagpakabulag sa baluktot niyang pag-iisip.

"Gumising ka na at pangako, hindi na kita ipagtatabuyan." Garagal ang boses na kausap niya sa natutulog na binata. Hindi na siya nahiya kahit marinig ng kapatid ang pagiging pusong babae niya ngayon.

Malungkot ba iniwan muna ni John Carl ang kapatid upang masabi nito ang gustong sabihin sa kaniyang kaibigan. Maging siya ay malungkot sa sinapit ng kaibigan. Nasasaktan din siya sa nakikitang lungkot sa mukha ng kapatid lalo na kapag umiyak ito.noveldrama

Nang malaman ng mga kaibigan ang nangyaring aksidinte kay Zoe ay nagpa-book agad ang mga ito patungong Pilipinas. Ang mga magulang ng lalaki ay dumating din. Comatose ito dahil sa malaking pinsala na natamo sa ulo.

Hindi umalis si Jhaina sa tabi ng binata, iyak siya ng iyak at sinisi ang sarili dahil alam niya na siya ang dahilan ng pagkaaksidinte nito. Kilala na rin siya ng pamilya ng binata at hindi siya sinisisi ng mga ito sa nangyari kay Zoe. Nalaman niya kunh bakit umuwi ito ng Hong Kong at tumagal ng buwan.

"Anak, kumain ka muna." Bulong ni Lucy sa dalaga nang dumalaw siya sa hospital. Limang araw nang comatose ang binata at hindi umalis doon ang kanilang anak. Nababahala na rin sila dito dahil tila may iniindang sakit ito. "Wala po akong gana, Mom," malungkot na turan nito habang hawak ang kamay ni Zoe. Lagi niya itong kinakausap dahil iyon umano ang nakakabuti sa binata kahit tulog ito. Napabuntonghininga si Lucy at hinayaan na muna ang anak.

"Gumising ka na, Baby..." Hindi na siya nahiya na marinig ng iba maging ng mga magulang ang endearment nila ng binata noon. Muling tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata at ipinatong ang pisngi sa likod ng palad ni Zoe. Malungkot na iniwan muna ni Lucy ang anak. Masaya siya dahil naging pusong babae na ito, ngunit nakakalungkot dahil ang lalaking inalayan ng puso nito ay nasa panganib pa rin ang buhay.

"Hoy, gising na!" bahagyang nilakasan ni Jhaina ang boses dahil biglang nakaramdam ng frustrated, "ganito ka rin ba noong wala akong malay? Ang daya mo, dalawang araw lang ako natulog noon tapos ikaw limang araw na!" himutok ng kaniyang kalooban habang umiiyak.

"Baby, gising na! Sige na hindi na ako galit at saka babalik na ako sa iyo. Gumising ka na please!" patuloy na pakiusap ni Jhaina sa natutulog na binata.

Maraming aparato ang nakakabit dito bilang-life support pero ang guwapo pa rin nito sa kanyang paningin. Naroon na pagalitan niya ito at bulyawan tapos biglang lalambingin. Kung may ibang makakarinig sa kaniya ay isipin na nasisiraan na siya ng bait. Desperada na siya na magising si Zoe at natatakot na baka hindi na ito magising.

"Baby, I love you too na, Please lumaban ka at-" natigil sa pagsasalita si Jhaina nang bumukas muli ang pinto at niluwa niyon ang tao na sa una ay hindi niya nakilala.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.